Thursday, October 8, 2009

Mas bata mas mahal...


Sa panahon ngayon, panahon ng pahirap na pahirap na pagkakataon na makahanap ng mapagkakakitaan, panahon kung kailan ang mga tao ay nakikisabay na lamang sa agos ng tubig kahit na sa isang napakaruming ilog ang kinalalagyan, wala nang pakialam ang tao anupaman ang kanilang makuhanan ng ikabubuhay.


Hindi na lingid sa atin na may mga taong walang budhi na naaatim na tao ang gawing pinagkakakitaan sa paraang ilegal. Ilan na rito ang pagtanggap at pagpapatrabaho sa mga menor de edad at paggamit sa kabataan sa prostitusyon. Hindi man lamang ba naisip ng mga taong baboy na iyon ang nararamdaman ng mga kabataang pinaglalaruan nila? Paano kaya kung sila ang nasa kalagayan ng mga binababoy nila, hindi ba sila masasaktan? Mga wala silang puso.


Sa ganitong mga pagkakataon, kumilos ang kinauukulan at nakapagpasa ng child and women welfare. Higit nang pinagtutuunan ngayon ang mga kababaihan at kabataan kumpara noong nakaraang mga panahon na walang magawa ang mga kinauukulan para sa proteksyon nila. Marami na ring mga indie film producers ang natauhan na magproduce ng mga indie films na kaukol sa iba’t ibang uri ng buhay ng kabataan. At sana ang buong media ay tumulong sa pagmulat sa mga kabataan nagayon na hindi ang pagpapagamit ang tanging solusyon, marami pang iba.


Tulungan natin bilang isa ring miyembro ng kabataan ang bawat isa. Give advices kapag may mga kaibigan kayong nawawala sa landas at di na malaman ang gagawin. Tayo ay magpasalamat na tayo ay nanatiling buhay, at dahil iyon sa ating Diyos, hindi tayo dapat magkamit ng hindi Niya nais.




-Paul Andrei de Leon

suicidal emo...

“Emo”, salitang una kong narinig bilang isang uri ng kanta. Ipinpadama dito sa ganitong mga awitin ang pagkasawi, pag-iisa at iba pang kalungkutan sa buhay. Kung ikukumpara sa mga lumang salita, ito ang tinatawag na “senti”sa panahon ngayon. Lumaon, hindi lang kanta ang pinasok sa kategoryang emo. Naging fashion trend din ang pagiging emo. Mga taong mahaba ang bangs na nakatakip na halos sa kabuuan ng mukha, itin na damit at iba pa. Ngunit sa kabila ng mga magandang impluwensya nito sa kabataan ngayon, meron din naming mga sumosobra sa pagka-emo. Sila yung mga kabataang nawawala sa landas ng panginoon at nagpapakamatay sa tindi ng dinadamdam.

http://www.graphicsdb.com/data/media/438/Emo_Doll.jpg

Maraming kabataan ngayon ang maagang namamatay. Hindi dahil may sakit sila kundi dahil sa pag-ibig, pag-ibig ang nagiging dahilan ng pagpapakamatay nila. Hindi na nila naiisip kung mabuti ba o masama ang ginagawa nila. Wala na silang naiisip na tama sa kanila kaya nila nagagawa iyon. Sa tingin nila patapon na ang buhay nila.


Ang mga kabataan nga daw ngayon ay iba sa kabataan noon. Para sa akin hindi tamang solusyon ang pagpapakamatay ng dahil lamang sa pag-ibig o mga bagay na wala naman talagang katuturan, mga bagay na mabubuhay tayo. Marami naming tao diyan na pwede kang mahalin. Isang malaking kasalanan sa Diyos ang pagpapakamatay. Siya ang may bigay ng buhay mo. Siya lang din dapat ang bumawi nito at wala tayong karapatan kitilin ang ating buhay.


Hindi ko sinasabing masamang maging emo, ang sa akin lamang, hindi dapat maging dahilan ang pagka-emo ng mga maling bagay nating naiisip. Dapat laging maging masaya.




-Mark Rivera

Mabisyong kabataan...

Image and video hosting by TinyPic


Habang naglalakad ako sa may lansangan, napatingin ako bigla sa kanang bahgi ng kalsada. Doon ko nakita ang dikit-dikit na computer shop na puno ng mga customer na kabataan. Sa kbilang panig naman ay naroon ang ilang kabataang tambay na nag-iinuman at naninigarilyo. Bigla kong naalala ang kaibigan ko na nalulong sa mmasamang bisyo.

“Itigil mo na yan friend! Makakasama lang sayo yan” ang sabi ko sa kanya isang araw ng madatnan ko siyang umiinom na naman ng alak.

“Ano ka ba! Ang sarap kaya sa pakiramdama ng mga ginagawa ko, nakakalimutan ko ang problema” ang kanya namang maagap na sagot.

“May buti bang dulot yan sayo? Ano bang napapala mo?” ang naitanong ko sa kanya.

“Alam mo, mare(sabay sinok) sa tuwing hihithit ako ng sigarilyo, nagiging presko ang pakiramdam ko. Feeling ko napaka-cool kong girl at siyempre, kada higop ko sa alak, init ang nananalaytay sa aking ugat(sinok ulit) kaya naman Ganado ako sa bawat ginagawa namin ng boyfriend ko” ang kanyang paliwanag.

“Ganun ba talaga ‘yun? Pero hindi mo mabubura ang problema dyan, madadagdagan mo pa!” ang pagpapaalala ko sa kaya.

“Wala naman akong pakialam kung mabaon ako sa problema, tingnan mo na lang sa Flyff, pwede ako lumipad na walang kaprobleproblema. Sana nga isa kong Warlord sa Dota na kayang lumaban sa anumng pagsubok, pero ang mga computer games ang bis…”


Hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi, bumulagta na lang siyang bigla sa aking harapan. Wala akong kamalay-malay na iyon nap ala an gaming huling pag-uusap. Sa ginawang autopsy ng isang institusyon, napag-alaman kong ilang araw na siyang hindi natutulog bago pa man kami mag-usap. Na overdose pala siya ng gamot na pampaalert. Kaawa-awa ang sinapit ng kaibigan ko. Hindi ko siya masisisi kung mula paggising ay humihithiit na agad ng sigarilyo, at ginagawa niyang tubig ang alakohol, at imbis na matulog sa gabi kahit pa pagod galing sa bahay ng kanyang boyfriend at nagcocomputer games siya at nagdodroga. Ang lahat ng ito ay dahil sa kanyang hinanakit sa kanyang magulang.



-Aila Mae Figueroa

Batang walang alam...


Gaano kahalaga sayo ang isang maayos na tirahan? Kulang ba ang iyong araw kapag di ka nakakain ng tatlong beses sa isang araw? Mahirap ang mga sitwasyon nabanggit. Ikaw ba naman ang walang permanenteng matirahan at laging walang laman ang tiyan. Naisip mo pa ba na ang mga sitwasyong ito ay nararamdaman ng ilan sa mga kapwa natin? Mga taong may karapatan ding dumanas ng mga nararanasan natin. Mga taong may karapatan ding tikman ang sarap ng buhay na ating matatamasa. Sila ang mga batang lansangan na naulila na, inabandona ng kanilang mga magulang, pinabyanan sa lansangan. Ngayon, nanlulumo ka ba sapagkat ang iyong itinataboy ay mga nilalang na kaawa-awa. Naisip mo na ba na hindi natin sila dapat pandirihan at bagkus ay alagaan. Walang sinuman ang dapat tapak-tapakan sa ating lipunan.

Image and video hosting by TinyPic

Hindi sapat ang konting limos para sila ay pasiyahin. Respeto, alaga at pagmamahal ay kailangan nila sa atin. Hindi man nila maranasan ang karangyaan, dapat naman natin silang irespeto at tanggapin. Ang tanging bagay na hindi natin dapat ipagkait sa mga batang walang alam kundi ang gawin ang lahat ng paraan upang mabuhay.




-Glen Jobe Reyes