Gaano kahalaga sayo ang isang maayos na tirahan? Kulang ba ang iyong araw kapag di ka nakakain ng tatlong beses sa isang araw? Mahirap ang mga sitwasyon nabanggit. Ikaw ba naman ang walang permanenteng matirahan at laging walang laman ang tiyan. Naisip mo pa ba na ang mga sitwasyong ito ay nararamdaman ng ilan sa mga kapwa natin? Mga taong may karapatan ding dumanas ng mga nararanasan natin. Mga taong may karapatan ding tikman ang sarap ng buhay na ating matatamasa. Sila ang mga batang lansangan na naulila na, inabandona ng kanilang mga magulang, pinabyanan sa lansangan. Ngayon, nanlulumo ka ba sapagkat ang iyong itinataboy ay mga nilalang na kaawa-awa. Naisip mo na ba na hindi natin sila dapat pandirihan at bagkus ay alagaan. Walang sinuman ang dapat tapak-tapakan sa ating lipunan.
Hindi sapat ang konting limos para sila ay pasiyahin. Respeto, alaga at pagmamahal ay kailangan nila sa atin. Hindi man nila maranasan ang karangyaan, dapat naman natin silang irespeto at tanggapin. Ang tanging bagay na hindi natin dapat ipagkait sa mga batang walang alam kundi ang gawin ang lahat ng paraan upang mabuhay.
-Glen Jobe Reyes
No comments:
Post a Comment