“Emo”, salitang una kong narinig bilang isang uri ng kanta. Ipinpadama dito sa ganitong mga awitin ang pagkasawi, pag-iisa at iba pang kalungkutan sa buhay. Kung ikukumpara sa mga lumang salita, ito ang tinatawag na “senti”sa panahon ngayon. Lumaon, hindi lang kanta ang pinasok sa kategoryang emo. Naging fashion trend din ang pagiging emo. Mga taong mahaba ang bangs na nakatakip na halos sa kabuuan ng mukha, itin na damit at iba pa. Ngunit sa kabila ng mga magandang impluwensya nito sa kabataan ngayon, meron din naming mga sumosobra sa pagka-emo. Sila yung mga kabataang nawawala sa landas ng panginoon at nagpapakamatay sa tindi ng dinadamdam.
Maraming kabataan ngayon ang maagang namamatay. Hindi dahil may sakit sila kundi dahil sa pag-ibig, pag-ibig ang nagiging dahilan ng pagpapakamatay nila. Hindi na nila naiisip kung mabuti ba o masama ang ginagawa nila. Wala na silang naiisip na tama sa kanila kaya nila nagagawa iyon. Sa tingin nila patapon na ang buhay nila.
Ang mga kabataan nga daw ngayon ay iba sa kabataan noon. Para sa akin hindi tamang solusyon ang pagpapakamatay ng dahil lamang sa pag-ibig o mga bagay na wala naman talagang katuturan, mga bagay na mabubuhay tayo. Marami naming tao diyan na pwede kang mahalin. Isang malaking kasalanan sa Diyos ang pagpapakamatay. Siya ang may bigay ng buhay mo. Siya lang din dapat ang bumawi nito at wala tayong karapatan kitilin ang ating buhay.
Hindi ko sinasabing masamang maging emo, ang sa akin lamang, hindi dapat maging dahilan ang pagka-emo ng mga maling bagay nating naiisip. Dapat laging maging masaya.
-Mark Rivera
nice ^_^
ReplyDelete