Sa panahon ngayon, panahon ng pahirap na pahirap na pagkakataon na makahanap ng mapagkakakitaan, panahon kung kailan ang mga tao ay nakikisabay na lamang sa agos ng tubig kahit na sa isang napakaruming ilog ang kinalalagyan, wala nang pakialam ang tao anupaman ang kanilang makuhanan ng ikabubuhay.
Hindi na lingid sa atin na may mga taong walang budhi na naaatim na tao ang gawing pinagkakakitaan sa paraang ilegal. Ilan na rito ang pagtanggap at pagpapatrabaho sa mga menor de edad at paggamit sa kabataan sa prostitusyon. Hindi man lamang ba naisip ng mga taong baboy na iyon ang nararamdaman ng mga kabataang pinaglalaruan nila? Paano kaya kung sila ang nasa kalagayan ng mga binababoy nila, hindi ba sila masasaktan? Mga wala silang puso.
Sa ganitong mga pagkakataon, kumilos ang kinauukulan at nakapagpasa ng child and women welfare. Higit nang pinagtutuunan ngayon ang mga kababaihan at kabataan kumpara noong nakaraang mga panahon na walang magawa ang mga kinauukulan para sa proteksyon nila. Marami na ring mga indie film producers ang natauhan na magproduce ng mga indie films na kaukol sa iba’t ibang uri ng buhay ng kabataan. At sana ang buong media ay tumulong sa pagmulat sa mga kabataan nagayon na hindi ang pagpapagamit ang tanging solusyon, marami pang iba.
Tulungan natin bilang isa ring miyembro ng kabataan ang bawat isa. Give advices kapag may mga kaibigan kayong nawawala sa landas at di na malaman ang gagawin. Tayo ay magpasalamat na tayo ay nanatiling buhay, at dahil iyon sa ating Diyos, hindi tayo dapat magkamit ng hindi Niya nais.
-Paul Andrei de Leon
No comments:
Post a Comment